Last January, I had a privilege to interview indie folk band Munimuni after attending one of their gigs. The band, which popularized the “makata pop” genre, is composed of Millennials Adj Jiao (vocalist, guitarist), TJ de Ocampo (vocalist, guitarist), John Owen Castro (vocalist, flutist), Jolo Ferrer (bass guitarist), and Josiah Tumaliuan (drummer). The article I wrote focused on the stories behind some of their songs that speak about hope. In this blog, I’ll share to you the transcript of our interview, particularly our conversation about the inspiration behind these songs.

Read my feature story published on Inquirer.net here. 

Tahanan
Composer: Owen

(I told Owen that the first line, “Hanggang dito na lamang ang ‘yong mga luha,” seems ironic because it somehow makes me want to cry.”)

Owen: Which is nice, kasi diba ‘yun din ‘yung goal niya, para mawala lahat ng luha. So kung meron pa sa loob, kailangan mo siya ilabas, so okay lang ‘yun, na kapag narinig mo ‘yung line na ‘yun iiyak ka kasi ibig sabihin malapit nang mawala.

‘Yung inspiration niya ay nanggaling sa personal experience ko bilang isang taong may bipolar disorder II, and nasulat ‘yung kantang ‘yun before pa ako madiagnose. So parang may phase sa buhay ko na sobrang lungkot ko, tapos may isang araw na sobrang saya ko so sabi ko sulat tayo ng kanta, so sulat ako ng kanta. ‘Yun basically, ganun siya nabuo.

Marilag
Composers: Adj and TJ

Adj: Ito ‘yung isa sa mga songs na ang bilis lang niya naisulat kasi parang in the moment siya, so puyat—nagpuyat—(looks at TJ) sinadya ba nating mapuyat? Basta galing kami sa isang event na late natapos which is UP fair and isang sleep over siya na walang sleep, over lang. Haha.

Nag-overnight kami sa bahay nina TJ, with a group of friends and tulog na silang lahat, inabot kami ng umaga, so nakita namin ‘yung sunrise, and ‘yun ‘yung naging starting point, [tapos naisip namin] tara sulat tayo ng kanta, and in the span of mga 30 minutes siguro, from wala pa masyadong kulay ‘yung horizon until sa naka-akyat na ‘yung araw, dun namin nasulat ‘yung kanta so methaphor ‘yung sunrise for us ng hope.

Simula
Composer: TJ

Nasulat ko siya nung time na, may time kasi sa family ko na hindi masyado okay ‘yung mga tao, so that was around 18 years old pa yata ako nun or 17. I don’t remember, pero ‘yung time na ‘yun, ‘yun lang ‘yung nararamdaman ko that time, na these problems that we face as a household, as a family, one day pagtatawanan lang natin siya or kakalimutan. Kasi ganun diba, parang uy naaalala mo ‘yung ano, tapos nagalit ka nun diba? Hahaha. ‘Yun ‘yung inspiration niya na ‘yung ganung klaseng attitude na naghohope ka na one day matatapos din ‘yung lahat, or kahit di matapos but there will be better days. And I guess na-apply ‘yun ng mga tao sa lives nila, ‘yung mga nakikinig sa amin, kahit na sa anong aspect ng life nila, kahit sa lovelife, or with their friends or relationships nila with other people.

Kulayan Natin
Composer: Adj

Adj: Nagstart siya as a mental image ng basically love. May naimagine akong movie sa utak ko na cute siya kasi black and white tapos naglalakad kayo tapos nagkakakulay ‘yung nilalakaran niyo. Parang ‘yun ‘yung imagination ko. Ang corni diba? Medyo cheesy siya. But then naisip ko na parang may mas maganda na scene, na ‘yung magkasamang naglalakad sa parang movie scene na ‘yun, kinukulayan nila ‘yung mundo, so mas active siya na kind of love, in a way na nag-o-overflow, nag-uumapaw ‘yung pagmamahal niyo sa lipunan na ginagalawan niyo.

IMG_7633

Banaag
Composer: TJ

TJ: Ang banaag kasi nakita ko siya sa isang Filipino dictionary. Nasa apartment ako niya (looks at Adj), tapos may dictionary doon na makapal, nakasulat Filipino dictionary, tapos bina-browse ko lang siya tapos nainterest ako dun sa word na banaag kasi ang ibig sabihin niya ay parang malayong ilaw na nagfiflicker lang. Nainterest ako sa word na ‘yun tapos naisip ko na parang isa na naman ‘tong picture ng kung ano ang hope sa life, parang naimagine ko na siguro para akong pilgrim tapos ‘yung land na pinaglalakaran ko sobrang dilim pero may isang maliit na ilaw doon na ‘yun lang ‘yung pinupuntahan ko. Dun nagstart ‘yung image na ‘yun, ‘yung song na ‘yun. And then may sinasabi doon sa song na ‘yun na bawat kulay ng buhay mo ay sinag ko lamang na hinimay-himay, so parang sinasabi doon na kung anumang naeexperience mo ngayon, kung anong kulay man ng mundo mo ngayon, wala namang kulay kung walang ilaw diba, hindi mo makikita ‘yung kulay kung walang ilaw, so the very reason na nakikita mo ‘yung kulay na ‘yun, naeexperince mo ‘yun is because may ilaw na buhay na you can expect sa life mo.

Pagsibol
Composer: Owen

Owen: Parang first time ko ieexplain ‘yung kantang ‘to sa publication. Pero ‘yung way of writing ko kasi para siyang nanggagaling ako dun sa huli kong sinulat, tapos magsusulat ako ng in relation to that, pero iba, so siya ‘yung kadugtong talaga nung may isa pa before this. Para siyang anak ng dalawang songs na ‘yun. So ‘yung Tahanan, para siyang pinaparealize ng tao nandon siya for you kahit ganyan ‘yung experiences mo, kahit sobrang lungkot. ‘Yung sumunod na kanta dun, realization siya nung kinocomfort nung tao sa Tahanan na merong pag-asang lumaya talaga. Mas active na ‘yung tao na kinocomfort na, “ah meron nga, ‘yung sinasabi niya na meron nga possible nga.” ‘Yung Pagsibol ito ‘yung realization ng taong kinocomfort na wala akong ibang way para magflourish ‘yung life or sumibol ‘yung buhay mo ng wala ‘yung taong ‘yun.

‘Yung second song, ang title niya Alpas, pero hindi pa siya released.

Kalachuci
Composer: TJ

TJ: May special person sa life ko na magkasama kami sa UP Diliman, and around month of May ‘yun. Tapos ‘yung person na ‘to kasi was going through something and hindi ako makatulong sa kanya kasi nga limited ka lang naman, hindi mo kayang fully tulungan ang isang tao, pwede ka lang maging nandoon para sa person na ‘yun.

One day naglalakad kami, we were talking about problems niya, and then nakakita siya ng bulaklak sa Acad Oval tapos kalachuci ‘yun, tapos napansin namin na ang dami nang kalachuci sa lugar na ‘yun, tapos pagkauwi ko nagbasa ako tungkol sa kalachuci. ‘Yun kasi yung medyo hobby ko, parang researching about facts and then nalaman ko na ‘yung kalachuci na flower na ‘yun mas tumutubo siya kapag mas mainit yung lugar, mas nagfflourish kapag mainit tapos humid, so hindi lang siya basically init pero alam mo ‘yung init na malagkit? ‘Yung ganung buwan dun siya pinaka-nagbblossom or namumukadkad. All year round naman siya sa Pilipinas kasi nga tropical country tayo pero sa month of May na ‘yun specifically, masyado siyang masaya sa season na ‘yun, pwede nating masabing peak.

Narealize ko kasi, yung mga songs sa West, kapag sinasabi nilang suffering, laging ang picture ay winter, patay lahat. Pero naisip ko hindi rin naman comfortable ‘yung malagkit na init na naeexperience natin. So ginawa ko siyang isang picture na kung paano namumukadkad ‘yung isang bagay or ‘yung bulaklak na ‘yun kahit na mahirap ‘yung panahon or kahit na masyadong malakas ‘yung tirik ng araw. Ginawa ko siyang metaphor for a person na who is experiencing something na mabigat pero through that experience mas may possibility na mas lalo siyang mamukadkad as a person.

Two other songs discussed by TJ, and some “hugot” questions asked by a friend:

Sa Hindi Pag-alala
Composer: TJ

Me: Ano yung inspiration behind?

TJ: Well… (*medyo awkward*)

Me: If you are comfortable lang. Haha

TJ: Hindi, okay naman.

Owen jokes: Grabe kapag magsusulat ng heartbreak song tapos i-re-release natin, tatanungin niyo. No. Ahhh, ayoko na magsulat ng heartbreak song.

Them: *Laughs*

Me: Anong year mo naisulat?

TJ: 2014 or 2015. 15 feeling ko. Sa Japan ko kasi siya nasulat, nag-exchange program kasi ako, 2014 to 2015. Basta sa UP ‘yun, may exchange program dun, sumali ako, tapos ‘yung year na ‘yun 2014 to 2015, tapos ayun maraming nangyaring ibang bagay, ganun. Hahaha.

Pero sige pag-usapan na lang natin ‘yung inspiration ng song. Marami kasing tao na sinasabi nila mapanakit ‘yung song, or malungkot ‘yung song, or tara inuman tayo sa song na ‘yun, pero para sa akin hindi lang siya ganun, hindi siya nag-e-end sa ganun, pero decision na song siya eh, na heto na, heto na, heto na. Kahit na nag-aano ka, naghehesitate, nag-aalagan ka, at least iniisip mo na na magmomove on ka na, or hindi mo na gagawin ‘yun, ‘yung nakakasakit sayo. Marami kasing love song na ano lang eh, puro heartbreak heartbreak lang, pero parang iba ‘yung song na ‘yun I guess. As the writer of the song, I would say iba siya in the sense na it wants you to do something besides wallow in your suffering. Hindi ka na [puro] “Ang sakit, ayoko na,” pero hinihikayat ka niya na gumawa ng something about it, so ‘yun ‘yung sanang maramdaman ng mga tao kapag nakikinig sila ng song na ‘yun.

Me: Ano ang mas mahirap, pag-alala or hindi pag-alala?

TJ: ‘Yung sinasabi kasi na hindi pag-alala hindi naman siya literal eh, parang hindi mo naman ever makakalimutan ‘yung tao, I guess. Maaalala mo pa rin siya, pero ang point niya ay kahit na maalala mo siya ‘yung wala ka nang nararamdaman about it or parang indiferent ka na. So hindi siya question ng maalala mo siya or hindi mo maalala. Pero kapag naiisip mo siya, may nararamdaman ka pa bang sakit?

Me: Magkaiba ba ang makalimot sa hindi pag-alala?

Adj: Oo, iba.

TJ: What? Profound to ah. *Thinking*

Adj: Karugtong lang ng sinabi niya siguro na kapag nakalimot, wala ka talagang ala-ala, diba?

TJ: Oo, amnesia. Pero ‘yung sa hindi pag-alala, alam mong nandyan siya pero hindi mo na ine-entertain.

Adj: Tsaka ‘yung makalimot hindi ‘yun sinasadya eh, ‘yung hindi pag-alala sinasadya mo siya.

TJ: *Amazed at Adj’s answer* Galing nun ah.

Sa’yo (and Solomon)
Composer: TJ

TJ: Sinulat ko ‘yun teenager lang din ako eh, 18, 17. ‘Yun nga dahil medyo innocent pa, wow, medyo may, ‘yung view ko on love ay hindi pa siya ganun kamature. Hindi ko sinasabing immature ‘yung song, pero parang genuine ‘yung song na purely akala ko that time hindi mawawala ‘yung damdamin ko for one person. Kaya ‘yung sayo actually tinuloy ‘yun ng Solomon na song. ‘Yung Solomon ‘yun na ‘yung narealize ko ngayon as an adult na that kind of love na unconditional, ‘yung concept na ‘yun, ‘yung idea na ‘yun, ang hirap niya mahanap sa isang tao, kasi lahat naman tayo conditional.

So ‘yung Solomon, hindi mo malaman kung tao ba to or force ba to? Parang may bulong ng puno. So parang ‘yung song na ‘yun, it’s about a person wondering about that kind of unconditional love na transcendent, parang ganun na masasabi natin. Kaya nandoon ‘yung Sa’yo sa Solomon kasi tinatry ko siya ayusin so to speak, as the writer of the song, now na I have more time to reflect upon ‘yung mga sinulat ko before.

Leave a comment