Transcript: Interview with indie folk band Munimuni

Last January, I had a privilege to interview indie folk band Munimuni after attending one of their gigs. The band, which popularized the “makata pop” genre, is composed of Millennials Adj Jiao (vocalist, guitarist), TJ de Ocampo (vocalist, guitarist), John Owen Castro (vocalist, flutist), Jolo Ferrer (bass guitarist), and Josiah Tumaliuan (drummer). The article I wrote focused on the stories behind some of their songs that speak about hope. In this blog, I’ll share to you the transcript of our interview, particularly our conversation about the inspiration behind these songs.

Read my feature story published on Inquirer.net here. 

Tahanan
Composer: Owen

(I told Owen that the first line, “Hanggang dito na lamang ang ‘yong mga luha,” seems ironic because it somehow makes me want to cry.”)

Owen: Which is nice, kasi diba ‘yun din ‘yung goal niya, para mawala lahat ng luha. So kung meron pa sa loob, kailangan mo siya ilabas, so okay lang ‘yun, na kapag narinig mo ‘yung line na ‘yun iiyak ka kasi ibig sabihin malapit nang mawala.

‘Yung inspiration niya ay nanggaling sa personal experience ko bilang isang taong may bipolar disorder II, and nasulat ‘yung kantang ‘yun before pa ako madiagnose. So parang may phase sa buhay ko na sobrang lungkot ko, tapos may isang araw na sobrang saya ko so sabi ko sulat tayo ng kanta, so sulat ako ng kanta. ‘Yun basically, ganun siya nabuo.

Marilag
Composers: Adj and TJ

Adj: Ito ‘yung isa sa mga songs na ang bilis lang niya naisulat kasi parang in the moment siya, so puyat—nagpuyat—(looks at TJ) sinadya ba nating mapuyat? Basta galing kami sa isang event na late natapos which is UP fair and isang sleep over siya na walang sleep, over lang. Haha.

Nag-overnight kami sa bahay nina TJ, with a group of friends and tulog na silang lahat, inabot kami ng umaga, so nakita namin ‘yung sunrise, and ‘yun ‘yung naging starting point, [tapos naisip namin] tara sulat tayo ng kanta, and in the span of mga 30 minutes siguro, from wala pa masyadong kulay ‘yung horizon until sa naka-akyat na ‘yung araw, dun namin nasulat ‘yung kanta so methaphor ‘yung sunrise for us ng hope.

Simula
Composer: TJ

Nasulat ko siya nung time na, may time kasi sa family ko na hindi masyado okay ‘yung mga tao, so that was around 18 years old pa yata ako nun or 17. I don’t remember, pero ‘yung time na ‘yun, ‘yun lang ‘yung nararamdaman ko that time, na these problems that we face as a household, as a family, one day pagtatawanan lang natin siya or kakalimutan. Kasi ganun diba, parang uy naaalala mo ‘yung ano, tapos nagalit ka nun diba? Hahaha. ‘Yun ‘yung inspiration niya na ‘yung ganung klaseng attitude na naghohope ka na one day matatapos din ‘yung lahat, or kahit di matapos but there will be better days. And I guess na-apply ‘yun ng mga tao sa lives nila, ‘yung mga nakikinig sa amin, kahit na sa anong aspect ng life nila, kahit sa lovelife, or with their friends or relationships nila with other people.

Kulayan Natin
Composer: Adj

Adj: Nagstart siya as a mental image ng basically love. May naimagine akong movie sa utak ko na cute siya kasi black and white tapos naglalakad kayo tapos nagkakakulay ‘yung nilalakaran niyo. Parang ‘yun ‘yung imagination ko. Ang corni diba? Medyo cheesy siya. But then naisip ko na parang may mas maganda na scene, na ‘yung magkasamang naglalakad sa parang movie scene na ‘yun, kinukulayan nila ‘yung mundo, so mas active siya na kind of love, in a way na nag-o-overflow, nag-uumapaw ‘yung pagmamahal niyo sa lipunan na ginagalawan niyo.

IMG_7633

Banaag
Composer: TJ

TJ: Ang banaag kasi nakita ko siya sa isang Filipino dictionary. Nasa apartment ako niya (looks at Adj), tapos may dictionary doon na makapal, nakasulat Filipino dictionary, tapos bina-browse ko lang siya tapos nainterest ako dun sa word na banaag kasi ang ibig sabihin niya ay parang malayong ilaw na nagfiflicker lang. Nainterest ako sa word na ‘yun tapos naisip ko na parang isa na naman ‘tong picture ng kung ano ang hope sa life, parang naimagine ko na siguro para akong pilgrim tapos ‘yung land na pinaglalakaran ko sobrang dilim pero may isang maliit na ilaw doon na ‘yun lang ‘yung pinupuntahan ko. Dun nagstart ‘yung image na ‘yun, ‘yung song na ‘yun. And then may sinasabi doon sa song na ‘yun na bawat kulay ng buhay mo ay sinag ko lamang na hinimay-himay, so parang sinasabi doon na kung anumang naeexperience mo ngayon, kung anong kulay man ng mundo mo ngayon, wala namang kulay kung walang ilaw diba, hindi mo makikita ‘yung kulay kung walang ilaw, so the very reason na nakikita mo ‘yung kulay na ‘yun, naeexperince mo ‘yun is because may ilaw na buhay na you can expect sa life mo. Continue reading